^

Police Metro

2 karnaper nanlaban, todas

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dalawang karnaper ang nasawi matapos umanong manlaban sa mga otoridad sa Novaliches, Quezon City kahapon ng  madaling araw.

Walang nakuhang identification card sa katawan ng dalawang suspek na kapwa nasa edad na 25-30, may taas na 5’6-5’7, katamtaman ang pangangatawan na kapwa inaka-tim na long sleeves at balck pants.

Sa ulat, alas-2:30 ng madaling araw nang maganap ang shootout sa pagitan ng mga tauhan pulis sa dalawang suspek sa bakanteng lote sa San Roque St., Jonaville Subd. Barangay Nagkaisang Nayon, Novaliches, Quezon City.

Sa salaysay ng biktimang Grab food driver na itinago sa pangalang Goma, galing umano siya sa Novaliches Bayan at pauwi na sana sa San Juan nang malaglag ang kanyang bag habang nagmamaneho ng motorsiklo.

Huminto siya para kunin ang kanyang bag, subalit nilapitan siya ng dalawang suspek, tinutukan ng baril bago tinangay ang kanyang mga gamit at motorsiklo.

Agad namang humingi ng tulong sa mga pulis si Goma at nagsagawa ng follow-up operation hanggang natunton ang mga suspek matapos makatanggap ng report na may nagbabaklas ng plaka ng isang motorsiklo sa isang bakanteng lote sa Barangay Nagkaisang Nayon.

Habang papalapit ang mga pulis ay agad umanong pinaputukan ng mga suspek kaya nagkaroon ng barilan sa magkabilang panig na nagresulta ng pagkamatay ng dalawa.

vuukle comment

KARNAPER

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with