^

Police Metro

Ex-DOJ Sec. Aguirre idinawit sa ‘pastillas’ scheme

Gemma Garcia - Pang-masa
Ex-DOJ Sec. Aguirre idinawit sa �pastillas� scheme
Ayon kay Tulfo, sinabi sa kanya noon ng testigong si Allison Chiong na si Aguirre ang protector ng sindikato matapos nitong palitan ang mag-amang Maynardo at Red Mariñas na siyang namamahala sa visa upon arrival system sa bansa.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Ipapatawag ng Senado si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre II na umano ay protektor ng tinatawag na “pastillas” bribery scheme na kung saan ay ipinapapasok sa bansa ang mga illegal na turistang Chinese na kung saan ay sangkot ang ilang tauhan ng Bureau of Immigration (BI).

Sinabi ni Senador Risa Hontiveros sa pagdinig ng Senate Committee on Women, Children, Family Relations and Gender Equality na ipapatawag nila si Aguirre bago maglabas ng committee report at mag-adjourn ang kongreso dahil ilang beses umanong binanggit ang pangalan niya ng broadcaster na si Ramon Tulfo bilang protector umano ng pastillas scheme  sa NAIA.

Ayon kay Tulfo, sinabi sa kanya noon ng testigong si Allison Chiong na si Aguirre ang protector ng sindikato matapos nitong palitan ang mag-amang Maynardo at Red Mariñas na siyang namamahala sa visa upon arrival system sa bansa.

Itinuro rin ni Chiong si Aguirre na siyang protector sa pagpapalusot  sa mga Chinese tourist para wala silang kahirap-hirap na makapasok sa bansa at sa kalaunan ay na­ging empleyado na sila ng Philippine Offshore and Gaming Operators (POGO).

Subalit, sa nasabing pagdinig ay ilang beses tinanong si Chiong kung totoong may kinalaman ang dating kalihim sa katiwalian sa immigration ay hindi naman ito sumagot kaya nagdesisyon si Hontiveros na ipatawag ang dating kalihim para mismong marinig ang panig nito.

vuukle comment

VITALIANO AGUIRRE II

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with