^

Police Metro

Ginang na kagawad itinumba

Mer Layson - Pang-masa
Ginang na kagawad itinumba
Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen, dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng tahanan nito ay isang testigo ang nakakita na pumarada ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki sa bahay ng biktima.
File

MANILA, Philippines — Namatay habang di­nadala sa ospital ang isang 55-anyos na ginang na isang barangay kagawad nang ito ay pagbabarilin ng dalawang lalaki sa loob ng kanyang bahay sa Quezon City, kamakalawa ng gabi.

Ang nasawi dahil sa mga tama ng bala sa iba’t ibang bahagi ng katawan ay nakilalang si Noemi Balderama-Agcaolili, 55, may-asawa, kagawad ng Brgy. Lipunan, residente ng No. 303-E. Boni Serano, Bagong Barrio ng nasabing barangay.

Sa imbestigasyon, bago nangyari ang krimen, dakong alas-8:30 ng gabi sa loob ng tahanan nito ay isang testigo ang nakakita na pumarada ang isang motorsiklo lulan ang dalawang lalaki sa bahay ng biktima.

Pumasok sa tahanan ng kagawad ang mga suspek at doon ay naka­rinig na umano siya ng sunud-sunod na putok ng baril.

Ilang sandali ay mabilis na lumabas ang mga salarin at sumakay sa dalang motorsiklo saka tumakas.

Isinugod ang duguang misis sa Cardinal Santos Medical Center,subalit binawian din ito ng buhay bandang alas-10:02 ng gabi.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with