^

Police Metro

3 ‘sex den’ ni-raid: 44 babae nasagip, 3 ‘bugaw’ timbog

Danilo Garcia - Pang-masa
3 �sex den� ni-raid: 44 babae nasagip, 3 �bugaw� timbog
Ang ilan sa nasa 44 kababaihang nasagip ng mga otoridad makaraang salakayin ang tatlong ‘sex den’ sa lungsod ng Makati at Pateros kamakalawa ng gabi.
Miguel de Guzman

MANILA, Philippines — Nasagip ang nasa 44 kababaihan habang tatlong sinasabing ‘bugaw’ ang inaresto sa isinagawang pagsalakay ng mga otoridad sa  tatlong hinihinalang prostitution den sa Makati City at bayan ng Pateros mula kamakalawa ng gabi hanggang kahapon ng madaling araw.

Sa ulat ng Makati City Police, unang sina­lakay ang Pentagon Spa sa may Belarmino Street, Brgy. Bangkal dakong alas-11:15 ng gabi nang magpositibo sa kanilang casing operation ang bentahan ng aliw.

Inaresto sa operasyon ang itinuturong maintainer at ‘bugaw’ na si Jeniffer De Leon, 30-anyos habang nasa 12 babae ang nailigtas ng mga pulis.

Alas-12:15 ng madaling araw nang sunod na salakayin naman ang Edison Cafe sa may Morse St., Brgy. San Isidro, ng naturang lungsod. Isang pulis ang nagpanggap na kustomer at nagbayad ng P3,000 para makipagtalik sa isa sa mga babae sa lugar.

Inaresto ng mga pulis ang mga bugaw na nakipagtransaksyon sa kustomer na pulis na sina Rafael Rosales, 42, at Rodolfo Rosales, 38,  habang nasa 24 na babae ang nailigtas sa lugar.

Dakong alas-4:30 nang salakayin naman ng mga tauhan ng Pateros Municipal Police ang Singkita KTV Bar sa may E. Almeda St. Brgy. San Roque.  Ito ay matapos na isang pulis ang nagawang makipagtalik sa loob ng naturang bar kapalit ng bayad na P2,000. Inimbitahan sa presinto ang walong babae at katiwala sa bar na si Mark Desudido, 35.

vuukle comment

SEX DEN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with