^

Police Metro

Mister, inutas sa harap ng misis

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines — Dead on the spot ang isang 27-anyos na mister nang ito ay pagbabarilin ng tatlong suspek sa harap ng kanyang misis sa Quezon City, kahapon ng madaling araw.

Ang nasawi ay nakilalang si Valentine Bal­tazar Guerrero, 27 ng Abra St., Brgy. Batasan Hills, Quezon City.

Sa ulat, bago nangyari ang krimen, ala-1:00 ng madaling araw sa Muñoz St., Batasan Hills ay kasama ng biktima ang misis nito na si Janine na kung saan ay ki­nakausap ang isang tri­cycle driver nang lapitan sila ng tatlong suspek at walang ka­­abug-abog na pinagba­baril ang biktima na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Patuloy ang imbesti­gasyon ng pulisya sa mo­­tibo ng krimen at pagka­kakilanlan sa tatlong suspek.

vuukle comment

PAGBABARILIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with