^

Police Metro

Barilan sa kampo: 3 sundalo dedo

Joy Cantos - Pang-masa
Barilan sa kampo: 3 sundalo dedo
Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, pasado alas-11:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa headquarters ng 9th Field Artillery Battalion, Army Artillery Regiment sa Brgy. Liang, Patikul ng lalawigan.
STAR/File

MANILA, Philippines — Patay ang isang Army major at tinyente nang pagbabarilin ng kapwa sundalo habang napatay naman ang suspek ng isa pang sundalo makaraan ang isang mainitang kumprontasyon sa loob ng isang kampo sa Patikul, Sulu, bago maghatinggabi nitong Biyernes.

Ayon kay Philippine Army Spokesman Lt. Col. Ramon Zagala, pasado alas-11:00 ng gabi nang mangyari ang insidente sa headquarters ng 9th Field Artillery Battalion, Army Artillery Regiment sa Brgy. Liang, Patikul ng lalawigan.

Sa report ng Joint Task Force (JTF) Sulu, kinilala ang mga nasawing biktima na sina Major Rael Gabot, Executive Officer ng 9th FAB, 1st Lt Ryan Lamos­te, Civil Military Officer (CMO) ng nasabing himpilan at Corporal Jack Indap.

Sa imbestigasyon na­man ng SOCO ng Sulu Provincial Police Office (PPO), sinabi ni Police Brig. Gen. Marni Marcos, Director ng Bangsa­moro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), nakainom si Corporal Indap na pinagsusuntok sa dibdib si Private Ralph Patongao, duty steward sa Unit Officers Mess Hall.

 Bunga nito ay kinompronta ito ni Lamoste at tinanong kung lasing ito na inamin naman ni Indap kaya inalis ito sa kanyang pinopostehan bilang sentinel o bantay.

Nagkaroon ng mainitang pagtatalo sa pagitan nina Lamoste at ng pasaway na si Indap kung saan nilapitan ang mga ito ni Gabot upang mamagitan sa dalawa.

Dito ay bigla na lamang pinaputukan ni Indap gamit ang kanyang R4A3 na may nakakabit na M203 grenade launcher ang dalawang opisyal na kapwa bumulagta sa insidente.

Nakita naman ito ni 2nd Lt. Clint John Cenita, namumuno sa 41st Infantry Battalion operation sa ilalim ng Army’s 35th Infantry Battalion (IB) kaya napilitang barilin si Indap.

Ang dalawang opisyal at ang suspek na sundalo ay pawang idineklarang dead-on-arrival sa Camp Bautista Station Hospital sa Jolo, Sulu.

vuukle comment

BAKBAKAN

MILITAR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with