MRT-4 project uumpisahan na
MANILA, Philippines — Uumpisahan na ang Metro Rail Transit Line 4 (MRT-4) project na inaasahang makapagse-serbisyo sa mga residente sa eastern part ng Metro Manila at ilang bahagi ng Rizal.
Ayon sa Department of Transportation (DOTr), ito’y matapos na maaprubahan na ng Investment Coordination Committee-Cabinet Committee (ICC-CabCom) ang konstruksiyon ng naturang 15.56-kilometer rail-based transit system at ang operasyon ng MRT-4 ay inaasahang magsisimula sa taong 2025.
Layunin ng pagtatayo nito ay matugunan ang lumalalang kondisyon ng traffic sa eastern part ng Metro Manila.
Kabilang sa mga inaasahang maseserbisyuhan ng MRT-4 ang mga commuters mula sa ilang bahagi ng Quezon City, San Juan City, Mandaluyong City, Pasig City at Ortigas Center, gayundin ang mga pasahero mula sa Cainta at Taytay, Rizal.
Aabot sa 234,433 na pasahero ang maisasakay kada araw ng MRT-4, na magkakaroon ng 11-istasyon.
- Latest