^

Police Metro

3-anyos lunod sa septic tank

Rhoderick Beñez - Pang-masa
3-anyos lunod sa septic tank
Ayon sa ulat, kasama umano ng biktima ang dalawa pang mga bata na naglalaro sa paligid hanggang sa napadako sila sa septic tank.
File

MANILA, Philippines — Patay na nang maiahon ang isang 3-anyos na batang lalaki matapos na mahulog at malunod sa septic tank na ipinapagawa ng isang kagawad ng barangay sa gilid ng kanyang bahay sa Purok Namnama sa Brgy. Dagupan, Kabacan, North Cotabato kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang nasawi na si Ramram Sheena na residente rin ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat, kasama umano ng biktima ang dalawa pang mga bata na naglalaro sa paligid hanggang sa napadako sila sa septic tank.

Ayon kay Kagawad Raymundo Gracia, dahil sa nararanasang pag-uulan sa lugar ay naipon ang tubig sa ipinapagawa niyang septic tank na may lalim na tatlong talampakan.

Hindi umano nila namalayan na may mga batang naglalaro sa paligid hanggang sa nahulog ang biktima sa septic tank, dakong alas-3:00 ng hapon.

Nagawa pang maisugod sa pagamutan ang paslit ngunit idineklarang dead-on-arrival.

vuukle comment

LUNOD

SEPTIC TANK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with