^

Police Metro

Sundalo dinedo ng kabaro

Joy Cantos, Danilo Garcia - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang sundalo ang nasawi noon din nang ito ay malapitang pagbabarilin ng kapwa sundalo matapos ang mainitang pagtatalo sa labas ng himpilan ng Philippine Army sa Bayani Road, Fort Bonifacio, Taguig City, kahapon ng mada­ling araw.

Kinilala ni Philippine Army Spokesman Lt. Colonel Ramon Zagala ang nasawing si Private First Class Niko del Pilar, nakatalaga sa Military Police Batta­lion sa Headquarters and Headquarters Support Group (HHSG) sa Phi­lippine Army Headquarters sa Fort Bonifacio na nagtamo ng tama ng bala sa leeg.

Kinilala ang suspek na si Technical Sergeant Gilbert Gella, na ginagamot sa Philippine Army Hospital matapos masaksak ng biktima.

Sa ulat ng pulisya, bago naganap ang insidente, alas-2:35 ng madaling araw sa nasabing lugar ay nagkaroon ng pagtatalo ang suspek at biktima.

Nabatid na tinangka umanong umiwas sa gulo ang suspek kaya’t umalis sa lugar at sumakay ng behikulo.

Subalit, hinabol ni Del Pilar si Gella at binunot ang patalim at sinaksak nito si Gella dahilan para bumunot ng baril ang huli at barilin ang biktima sa leeg na agad nitong ikinasawi.

Inaresto rin ang kasamahan nitong si Jepoy Arcilla, helper ng LRR habang tatlo pang hindi nakilalang suspek ang pinaghahanap.

Kinasuhan si Gella ng homicide sa Taguig prosecutor’s office.

vuukle comment

RAMON ZAGALA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with