^

Police Metro

Pusher na nang rape/slay sa dalaga, utas sa drug bust

Omar Padilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Isang drug pusher na suspek sa panghahalay at pagpatay sa isang 19-an­yos na dalaga ang nasawi nang ito umano ay manlaban sa mga otoridad sa isinagawang buy-bust operation kamakalawa sa San Jose del Monte City, Bulacan.

Ang napatay na suspek ay kinilalang si Jomari Satur dela Peña, alyas Tomtom, 25, binata ng Maligaya St., Brgy. Pajo ng nasabing siyudad.

Nabatid din na ang suspek ay siyang humalay at pumatay sa biktimang si Liezel Jadlos, estud­yante at residente ng nasabing lugar.

Ayon sa ulat ng pulisya, noong Linggo ng alas-12:30 ng madaling araw nang pasukin ng suspek ang silid ni Jadlos para gahasain, suba­lit nanlaban ang dalaga kaya’t sinaksak ito ng una bago tumakas.

Nadala pa sa ospital ang dalaga, subalit idineklara itong dead-on-arrival.

Kahapon ng ala-1:00 ng madaling araw ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga otoridad laban sa suspek na kilalang drug pusher at addict sa lugar, subalit nanlaban ito kaya’t nabaril at napatay.

Narekober sa suspek ang isang cal.38 revol­ver, 11 plastic sachet ng shabu at buy-bust money.

vuukle comment

RAPE SLAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with