^

Police Metro

2 miyembro ng BCJ nirapido, dedo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Tumimbuwang ang dalawang miyembro ng Batang City Jail (BCJ) habang isa ang malubhang nasugatan nang rat­ratin ng ‘di pa natutukoy na suspek ang kanilang barung-barong sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-the-spot sina Herwin Tribidino, 19, re­sidente ng Blk. 5, Ext. 54, Baseco Compound, Port Area, Maynila; at Allan Bautista, alyas “Buboy”, 19, ng Bldg. 15, Temporary Housing, Aroma Compound, Tondo,

Patuloy namang nilalapatan ng lunas sa pagamutan si Reynaldo Delposo, 18, ng Blk. 11, Brgy. 649, Baseco Compound, Port Area dahil sa tama ng bala sa likod.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:00 ng mada­ling araw habang mahimbing na natutulog ang mga biktima sa barung-barong ni Bautista nang may kumatok na kanya namang pinagbuksan.

Dito ay bumuluga kay Bautista ang isang lalaking nakasuot ng face mask at agad silang pinagbabaril at mabilis na tumakas.

Isang lalaki rin ang sinasabing nagsilbing look-out sa labas ng barung-barong na naglaho rin matapos ang pamamaril.

Patuloy pa ang im­bestigasyon sa kaso.

vuukle comment

BATANG CITY JAIL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with