^

Police Metro

21 katao nalason sa butete

Rhoderick Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Bagsak sa pagamutan ang 21 katao kabilang ang limang bata matapos na malason sa kinain nilang butete o puffer fish sa Barangay San Antonio, Ozamiz City, noong Huwebes ng gabi.

Sa ulat, isang lalaki ang nakahuli ng mga butete na may timbang na apat na kilo na ipinamigay sa kanyang mga kapitbahay na niluto para gawing ulam sa kanilang hapunan.

Ilang oras ang lumipas ay nakaranas ng matinding pagsusuka at pagkahilo ang mga biktima kaya’t agad na isinugod sa pagamutan.

Isa sa biktima ay inilagay sa ICU dahil sa posibleng marami itong nakain na lason habang ang isa ay naparalisado ang katawan.

Ayon sa mga opisyal ng barangay, malimit namang kumakain ng butete ang mga biktima ngunit posible umanong hindi nalinis nang maayos ang isda at nahalo ang nakalalasong bahagi nito.

Kumuha na rin ng sample ang Ozamiz City Health Office upang masuri ang pagkain na maaaring may nahalong nakalalasong bahagi ng isda.

vuukle comment

PUFFER FISH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with