Babaeng Angkas nahati ang katawan sa trak

MANILA, Philippines — Namatay noon din ang isang babaeng angkas habang namatay ang rider sa ospital matapos masagasaan ng 14-wheeler truck nang sumemplang ang sinasakyang motorsiklo na nasagi ng isang kotse kahapon ng umaga sa Quiapo, Maynila.
Ang mga nasawi ay kinilalang sina Ederlyn Buclares, nasa hustong gulang na nahati ang katawan, habang idineklarang dead-on-arrival ang rider na si Julius Tevar, nasa hustong gulang, kapwa residente ng no. 2000 A Katamanan St., Tondo, Maynila.
Nadakip ang suspek na si Reynan Fajardo, residente ng Nueva Ecija, driver ng truck na may plakang WLQ-197.
Sa ulat, bago naganap ang insidente dakong alas- 5:41 ng umaga sa Quezon Boulevard, Quiapo ay minamaneho ni Tevar ang motorsiklo at angkas si Buclares nang masagi ng isang kotseng Sedan na hindi naplakahan.
Sumemplang ang motorsiklo at bumagsak ang dalawa nang biglang sumulpot ang trak at nasagasaan ang mga ito na kung saan nahati ang katawan ng ginang na agad nitong ikinasawi.
- Latest
















