^

Police Metro

Ginang pinasok sa bahay, pinatay

Lordeth Bonilla - Pang-masa

MANILA, Philippines — Halos hindi makapaniwala ang isang mister na pag-uwi niya ng bahay ay madadatnan niya na isang bangkay ang kanyang misis matapos patayin ng mga magnanakaw na pumasok sa kanilang bahay, kamakalawa sa Parañaque City.

Ang nasawi ay kinilalang si Cristina Escaña Torres, 29, ng Lot 5, Block 4, Saint Jude Street, Multinational Village, Barangay Moonwalk ng lungsod.

Sa salaysay ng mister na si Noel Torres na bago siya pumasok sa trabaho ay nakita niya ang misis noong alas-9:15 ng umaga na nagluluto ng ulam.

Habang nasa opisina ay tinext ni Noel ang misis na sabay na silang maghapunan na sumagot naman ng oo.

Pag-uwi dakong alas-4:11 ng hapon ni Noel ay tinatawag nito ang misis para sabihin na dumating na siya, subalit hindi ito sumasagot kaya’t pinuntahan niya ito sa kanilang silid at nakita na naka­handusay ito at wala nang buhay.

Nakita nito na wasak ang kanilang vault at nagkalat ang mga kaga­mitan kaya’t humingi ito ng tulong sa mga kapitbahay na tumawag ng pulis.

vuukle comment

CRIME

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with