^

Police Metro

3 drug pusher todas sa buy-bust

Lordeth Bonilla - Pang-masa
3 drug pusher todas sa buy-bust
Sa ulat, bandang alas-2:51 ng madaling araw nang ikasa ng mga ­operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng North Bay Blvd. Champaca St., Agora Market, Brgy. NBBS Proper ng nabanggit na lungsod.
File

MANILA, Philippines — Napatay ang tatlong lalaki na umano’y mga drug pusher matapos manlaban sa mga otoridad sa isang drug buy bust operation kahapon ng madaling araw sa Navotas City.

Ang mga nasawing suspek ay kinilalang sina Arnel Bagamasbad,“alyas Arabo”, 33 ng Block 20, Lot 6, Champaca St., Brgy. NBBS Proper; “alyas Gurang” at “alyas Buwaya”, habang tinutugis ng mga pulis ang isa nilang kasama na si “alyas Vandam”.

Sa ulat, bandang alas-2:51 ng madaling araw nang ikasa ng mga ­operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) sa pangunguna ni P/Lt. Eric Roxas ang buy-bust operation laban sa mga suspek sa kahabaan ng North Bay Blvd. Champaca St.,  Agora Market, Brgy. NBBS Proper ng nabanggit na lungsod.

Nang maiabot ng mga suspek ang isang sachet ng shabu sa poseur-buyer ay natunugan nila na pulis ito kaya’t agad umanong naglabas ang mga ito ng baril at pinaputukan ang mga operatiba.

Gumanti ang mga pulis at matapos ang palitan ng mga putok ay nakitang nakabulagta ang tatlong suspect  habang nagawang makatakas ang isang kasama ng mga ito.

Narekober ng mga tauhan ng SOCO sa mga nasawing suspek ang isang cal. 9mm pistol, dalawang cal. 45 pistol, limang malalaking plastic sachets na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu at P300 buy-bust money.

vuukle comment

ILLEGAL DRUGS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with