^

Police Metro

Biyuda ng ninja cop itinumba

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines — Sa mismong pag-aari na restoran pinagbabaril ang isang ginang na asawa ng pinatay na pulis sa Sta. Ana, Maynila, ka­makalawa ng gabi.

Namatay noon din ang biktimang si Maricel Padpad, 45, maybahay ng dating miyembro ng Quezon City Police District na si SPO3 Dennis Padpad na kabilang sa “ninja cops” sa narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa ulat, bago naganap ang krimen dakong alas-11:10 ng gabi ay nakaupo ang biktima sa malapit sa pinto ng kanyang Mad Wings Bar and Restaurant na matatagpuan sa Tejeron St., kanto ng Syquia St., Sta. Ana, nang pagbabarilin ng isang lalaki.

Nang makitang bu­magsak na ang biktima ay pinuntahan nito ang kasama na nakaantabay sa motorsiklo at pinaharurot palayo.

Bago ang krimen ay mga pagtatangka na sa buhay ng biktima na la-ging tumatapat sa kanyang resto bar.

Matatandaang noong Mayo 29, 2017, alas-6:20 ng gabi nang pagbabari-lin sa SMJV Body Fitness Gym na matatagpuan sa A. Francisco St., Sta. Ana, Maynila si SPO3 Padpad na nagretiro na sa ser-bisyo matapos ipatapon sa Mindanao at kasama sa high value target.

vuukle comment

NINJA COP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with