^

Police Metro

Pamilya Bagatsing handa na!

Pang-masa

MANILA, Philippines — Handa na ang pamilyang Bagatsing na magbigay ng tunay at tapat na serbisyo sa mga Manilenyo dahil sa suportado ng apat na organisasyon na mayroong 200,000 miyembro na kinabibilangan ng Kabalikat ng Bayan sa Kaunlaran (KABAKA), Asosasyon ng Nagkakaisa at Aktibong Kabataan (ANAK), Asosasyon ng Barangay Kagawad ng Maynila (ABAKA) at Service Investment Good Government Leadership Action (SIGLA).

Ayon kay Don Bagatsing, isusulong nina Amado Bagatsing bilang Vice Mayor, DJ bilang Councilor, at Cristal Bagatsing bilang Congresswoman ang prog­rama ni Manila Mayor Joseph Estrada na mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga Manilenyo.

Sinabi ni Don, kalusugan at disenteng trabaho para sa mga residente ng Maynila ang magiging prayoridad upang magkaroon ng maunlad na Maynila.

Umaasa ang pamilya Bagatsing na tatangkilikin ng mga Manilenyo ang kanilang mga isinusulong na programa para sa kapakinabangan ng mga nakarara­ming mga residente ng Maynila.

vuukle comment

DON BAGATSING

ELEKSYON

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with