^

Police Metro

5-anyos hinalay bago pinatay

Cristina Timbang - Pang-masa
5-anyos hinalay bago pinatay
Kinilala ng pulisya ang biktimang kindergarten na si Chrizel Ann Alburo, residente ng Poso St. #20 Blk 28, Lot 11, Phase-1, Pasinaya Homes, Brgy., Sabang, Naic, habang tinutugis ng pulisya ang suspek na kinilala lang sa pangalang “Serge”, residente ng Integrity St. #74 Blk 12, Lt 26, Phase-1, Pasinaya Homes, ng nasabi ring lugar.
File

Isinilid sa plastic bag…

MANILA, Philippines — Isang 5-anyos na paslit ang natagpuang wala nang buhay at hinihinalang hinalay muna bago pinatay at saka isinilid sa isang plastic bag at iniwan sa loob ng isang abandonadong unit ng isang subdivision sa Brgy. Sabang, sa bayan ng Naic sa Cavite, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ng pulisya ang biktimang kindergarten na si Chrizel Ann Alburo, residente ng Poso St. #20 Blk 28, Lot 11, Phase-1, Pasinaya Homes, Brgy., Sabang, Naic, habang  tinutugis ng pulisya ang suspek na kinilala lang sa pangalang “Serge”, residente ng  Integrity St. #74 Blk 12, Lt 26, Phase-1, Pasinaya Homes, ng nasabi ring lugar.

Sa imbestigasyon ni PO2 Rodrigo Candelario Veloso III, may hawak ng kaso,  dakong alas-11:59 ng gabi nang madiskubre ng ilang mga nag-iikot na opisyal ng barangay ang katawan ng paslit sa bakanteng unit sa  #76 Blk12, Lot 27, Phase 1, Pasinaya Homes, Brgy. Sabang ng bayang ito na nakasilid sa isang plastic bag. Halatang pilit na pinagkasya ang bangkay ng bata sa nasabing plastic dahil sa nakabaluktot na katawan nito sa loob ng plastic bag. 

Lumalabas na huling nakitang buhay ang bata kasama umano ang nasabing suspek sa nasabing subdibisyon.

Nagsasagawa pa ng follow-up ang pulisya at isinailalim din sa autopsy ang biktima upang alamin kung ginahasa ba muna ito bago pinatay ng suspek matapos makitaan ng indikasyon na tila ginahasa ang batang biktima.

vuukle comment

PINATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with