^

Police Metro

3 tumba, 4 tiklo sa drug-bust

Boy S. Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines — Patay ang tatlong lalaki na sinasabing ‘tulak’ ng droga habang apat ang dinakma ng mga otoridad nang maaktuhang nagpa-pot session sa isinagawang drug-bust operation ng mga pulis sa Brgy. Sto. Cristo, San Jose del Monte City, Bulacan, Sabado ng mada-­ling araw.

 

Nakilala ang dalawa sa tatlong bumulagtang suspek na si Roger Angelo at Polonan, alyas “Ogie”, George Avellanosa, kapwang nakatala sa drug watch list ng naturang bayan, habang patuloy na inaalam ang pagkakaki­­lanlan ng isa pa.

Arestado naman ang tatlong lalaki at isang babae na nasa loob ng bahay ni Ogie matapos maaktuhang bumabatak ng shabu.

Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1:40 ng madaling araw nang ikinasa ang operasyon laban sa mga suspek matapos mapag-alaman ang talamak na pagbebenta ng droga ni Ogie sa kanilang lugar kasunod nito ang paggamit ng bahay ng suspek bilang drug den.

Isang pulis ang tumayong buyer ng droga ngunit sa gitna ng palitan ng shabu at pera ay nakahalata ang mga suspek na pulis ang kanilang ka-deal dahilan upang bumunot ng kanilang armas at naki­pagpalitan ng putok sa mga otoridad na nagresulta sa kanilang pagkamatay habang inaresto naman ang apat na naaktuhang nagpa-pot session.

Narekober sa lugar ang tatlong .38 revolber, mga basyo ng bala, ilang gramo ng shabu at drug paraphernalias.

vuukle comment

DRUG BUST

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with