^

Police Metro

Dalagita ginahasa ng pulis-Maynila

Ludy Bermudo - Pang-masa
Dalagita ginahasa ng pulis-Maynila
Galit na galit na sinesermunan ni NCRPO Chief Guillermo Eleazar si PO1 Eduardo Valencia na umano’y gumahasa sa isang 15-anyos na dalagita para palayain ang ina nito na naaresto dahil sa kasong may kinalaman sa droga noong Oktubre 25.
Edd Gumban

Para mapalaya ang ina na nakakulong…

MANILA, Philippines — Isang 15-anyos na dalagita ang nagsampa ng kasong rape laban sa isang pulis na miyembro ng Manila Police District (MPD) na gumahasa umano sa kanya kapalit ng kalayaan ng kanyang nanay na nahuli sa iligal na droga sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang suspek na si PO1 Eduardo Valencia, nakatalaga sa MPD-Station 4. Naaresto si Valencia sa kanyang tahanan sa Dimanlig St., San Nicolas, Pasig City, kahapon ng hapon.

Sa salaysay ng 15-anyos na dalagita dinakip ng grupo ni PO1 Valencia at nakulong ang kanyang 32-anyos na ina at live-in partner na si Carlo Torres, 26-anyos sa nasabing presinto sa kaso ng paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 noong Huwebes (Oktubre 25).

Ayon sa biktima na siya ay dinala ni PO1 Valencia sa isang hotel sa Sta. Mesa at doon hinalay kapalit upang mapalaya ang kanyang ina.

Dumepensa naman si PO1 Valencia na hindi totoo ang akusasyon laban sa kanya bagkus ay ang pamilya umano ng nag-aakusa ay mga sangkot sa iligal na droga.

Kahapon, matapos ang sorpresang inspeksiyon ni National Capital region Police Office Director, General Guillermo Eleazar ay agad na tinungo ang MPD-Station 4 kung saan ay gigil na gigil na sinermonan si PO1 Valencia.

Bukod sa kasong kriminal ay ipinag-utos ni Eleazar na sampahan din ng kasong administratibo o grave misconduct si PO1 Valencia.

vuukle comment

EDUARDO VALENCIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with