^

Police Metro

3 utol kinatay ni kuya

Rhoderic Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines — Nakapanghihilakbot ang kamatayang sinapit ng tatlong magkakapatid matapos gilitan ng mismong nakatatandang kapatid makaraang magalit ito dahil sa pagkaing hindi pa naihahain, naganap sa Sitio Capanoyan, Brgy. Marcelo, Calatrava sa lalawigan ng Negros Occidental, Sabado ng hapon.

Ang mga magkakapatid na tigmak sa sarili nilang dugo nang matagpuan sa loob ng kanilang tahanan ay kinilala lamang sa mga pangalan na Gregor, isang taong gulang, Alejandro, 5-anyos, at June Renz Melibo, 14 taong gulang, pawang mga nakatira sa nasabing lugar.

Mabilis namang tumakas ang 21-anyos na suspek na si John Mark.

Ayon sa salaysay ng nakaligtas na 9-anyos na kapatid na babae sa pulisya, dakong alas-1:00 ng tanghali nang dumating ang nakatatandang kapatid galing sa bukid at nang malamang wala pang pagkain na nakahain sa mesa ay dito na ito nagalit sa mga nakababatang kapatid.

Agad umanong kumuha ng kutsilyo ang suspek at walang awang isa-isang ginilitan sa leeg ang kanyang mga kapatid.

Nabatid na wala ang mga magulang ng magkakapatid nang maganap ang krimen dahil nagtatrabaho umano ang mga ito.

Patuloy ang pagtugis ng mga alagad ng batas sa suspek.

vuukle comment

JOHN MARK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with