^

Police Metro

Bohol mayor inutas sa sabungan

Gemma Garcia - Pang-masa
Bohol mayor inutas sa sabungan
Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay sinamantala ng dalawang gunmen na sakay ng motorsiklo ang paglabas ng mayor sa kanyang sabungan na walang kasamang mga bodyguard na noon ay nasa loob at may ginagawa.
File

MANILA, Philippines — Hindi na umabot ng buhay sa ospital ang isang mayor matapos na ito ay pagbabarilin sa labas ng kanyang sabungan kahapon ng hapon sa bayan ng Clarin.

Ang biktima na nasawi dahil sa mga tama ng bala sa ulo ay kinila­lang si Buenavista, Bohol Mayor Ronald Tirol.

Batay sa ulat, dakong alas-3:00 ng hapon ay sinamantala ng dalawang gunmen na sakay ng motorsiklo ang paglabas ng mayor sa kanyang sabungan na walang kasamang mga bodyguard na noon ay nasa loob at may ginagawa.

Lumapit ang dalawang gunmen at walang kaabug-abog na malapitang barilin ito sa ulo.

Nang masigurong nadale ang biktima ay mabilis na tumakas ang mga suspek sakay ng hindi naplakahang motorsiklo.

Ayon kay C/Insp.Rolly Lauron, hepe ng Clarin police station na noong nakalipas na taon ay pinagtangkaan na rin patayin ang biktima ng mga hindi pa kilalang suspek, subalit nakaligtas ito.

RONALD TIROL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with