IQ ni Sereno average lang!

‘Di puwedeng Chief Justice...
MANILA, Philippines — Inihayag ng isang psychologist na humarap kahapon sa pagdinig ng House Committee on Justice kaugnay ng impeachment case ni Chief Justice Maria Lourdes Sereno na average lang ang intelligence quotient o IQ nito at mas mataas pa ang IQ ng ibang naging aplikante sa pagka-Chief Justice.
Ito ang kinumpirma ni Dr. Geraldine Tria bukod pa na mayroong mga mental disturbances si Sereno kaya’t mababa ang nakuha niya sa pyschiatric test nang mag-apply sa pagka-punong mahistrado noong 2012.
Anya, may siyam na sintomas ang mental disturbance ang natukoy kay Sereno kabilang dito ang “grandiocity, preoccupied with fantasier with limited success and power, sense of entitlement, interpersonally exploitative to take advantage of others to achieve own at lack of empathy and ensitiveness to the need of the community”.
Ayon pa kay Dr.Tria na maituturing na “marginal” “4” na score ng punong mahistrado sa nasabing pyschiatric exam at kung siya ang tatanungin ay hindi niya irerekomenda si Sereno sa listahan ng mga nominado para sa posisyon.
Bukod dito ay bagsak din umano si Sereno sa emotional na pinapatunayan ng madalas na away sa Korte Suprema.
- Latest















