^

Police Metro

Duterte magaling na presidente-SWS

Angie dela Cruz at Rudy Andal - Pang-masa
Duterte magaling na presidente-SWS
Ang survey na may 70 percent ng mamamayan ang naniniwalang mas mahusay ang naging performance ni Duterte kaysa sa nagdaang adminisrasyon at lumalabas din sa survey na may 8 percent lamang ang nagsabing magaling si dating Pa­ngulong Noynoy Aquino sa pamamahala sa ating bansa.
Ruji Abat/Presidential Photo

MANILA, Philippines — Batay sa latest survey ng Social Weather Station (SWS) na ginawa mula Disyembre 8 hanggang Disyembre 16, 2017 ay mayorya sa mga Pinoy ang kumbinsido na mas magaling na naging pa­ngulo ng Pilipinas si Pa­ngulong Rodrigo Duterte kumpara sa mga nagdaang administrasyon.

Ang survey na may 70 percent ng mamamayan ang naniniwalang mas mahusay ang naging performance ni Duterte kaysa sa nagdaang adminisrasyon at lumalabas din sa survey na may  8 percent lamang ang nagsabing  magaling si dating Pa­ngulong Noynoy Aquino sa pamamahala sa ating bansa. 

Tinanong ng SWS ang mga respondents ng: Kung ikukumpara ang pagganap ni Pa­ngulong Rodrigo Duterte sa kanyang tungkulin mula Hul­yo 2016 sa pagganap ni dating Pangulong Aquino mula Hulyo 2010 hanggang Hulyo 2016, masasabi n’yo ba na mas magaling si Duterte, pareho lang  o mas magaling si P-Noy?

Nasa 73 porsyento ang pinakamataas na approval rating ang nakuha ni Duterte mula sa Metro Manila at 63 percent approval rating  mula sa Luzon, 64 percent sa Visayas at 86 percent sa Mindanao, samantala 10 percent ang nakuhang approval rating ni Aquino sa naturang survey mula sa Metro Manila.

Nakasaad din sa survey na 69 percent ng mga Pinoy ay naniniwala na ang mga aksyon ni Digong ay akma sa kanyang tungkulin bilang pangulo ng ating bansa mula sa  katanungang “Sa kabuuan, ang mga kilos ba ni Pangulong Duterte ay angkop o hindi angkop sa isang pangulo?

Nasa 13 percent naman ng mga respondents ay  undecided, samantalang 18 percent ang nagsabing ‘inappropriate’ ang mga naging aksyon ni Duterte.

Ilan sa nakapagbigay ng malaking puntos sa naging performance ni Pangulong Duterte ay ang mahusay na kampanya laban sa droga at ang kampanya laban  sa korapsiyon sa ibat ibang ahensiya ng pamahalaan.

vuukle comment

RODRIGO DUTERTE

SOCIAL WEATHER STATION

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with