^

Police Metro

Trike driver inutas

Ludy Bermud - Pang-masa

MANILA, Philippines — Hindi man lang natikman ng isang 31-anyos na trike driver ang kanyang huling hapunan matapos siyang rapiduhin ng bala ng tatlong ‘di natukoy na gunmen na sakay ng isang motorsiklo sa Sta. Cruz, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Dead-on-arrival sa pagamutan ang biktimang kinilalang si Von Ace Cristo Y San Jose, residente ng No. 996 F. Huertas St., Sta. Cruz ng naturang lungsod bunsod ng mga tama ng bala ng baril sa ulo at sa iba’t-ibang bahagi ng katawan.

Sa ulat ni SPO4 Milbert Balinggan ng Manila Police District-Homicie Section, dakong alas-10:50 ng gabi nitong Huwebes nang maganap ang pamamaril sa biktima.

Nabatid na inihahanda na ng biktima ang biniling pagkain sa karinderya para maghapunan sa nakaparadang dyip nang biglang sumulpot ang mga suspek at niratrat ang biktima bago tumakas.

Nagawa pang maisugod ang biktima ng kanyang kapatid na si Dennis sa Jose Reyes Memorial Medical Center subalit idineklara ring dead-on-arrival.

Patuloy ang imbestigasyon ng pulisya sa naturang pamamaslang   

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with