^

Police Metro

5 drug pushers utas sa shootout

Angie dela Cruz at Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines - Limang pinaghihinalaang notoryus na drug pushers ang napatay matapos na kumasa sa mga operatiba ng pulisya sa magkakahiwalay na buy-bust operation sa lungsod ng Maynila at Caloocan kamakalawa.

Kinilala ni PO1 Jeffrey Laus, may hawak ng kaso sa MPD Homicide Division dakong alas -5:58 ng hapon nitong Biyernes nang mangyari ang shootout sa Estero de Magdaleno sa kanto ng Narcisa St., Tondo sa  Maynila.

Napatay matapos na makipagbarilan sa mga pulis ang mga suspek na sina Jonathan Sumagka Jr. alyas “Carlo” Francisco Pacheco alyas “Kiko” at Lauro Soriano alyas “Dong”, 55 anyos. Nakuha mula sa mga suspek ang tatlong cal. 38 revolver, 11 basyo ng bala ng naturang mga armas at pitong sachet ng shabu.

Sa Caloocan City, napaslang naman ang dalawa pang tulak nang mauwi sa shootout ang buy bust operation sa 3rd Avenue at Bagumbong North ng lungsod  sa magkakahiwalay na operasyon bandang alas- 5:45 ng hapon at alas- 11 :25 ng gabi. 

Kinilala ang mga napatay na suspek na sina Frank Bernas alyas “Boy Komang”,  37 anyos, residente ng 3rd Avenue, Barangay 118  at isang alyas “Michael Golden” ng Brgy. 171, Bagumbong ; pawang mga kilalang tulak sa lungsod. Nakumpiska sa operasyon ang isang cal 9 MM , 16 plastic sachet ng shabu , cal 38 na baril at ilang plastic sachet pa ng droga.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with