^

Police Metro

Pulis todas sa pet clinic holdap

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Namatay habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang isang pulis nang barilin ng isang holdaper na nangholdap sa isang pet clinic sa Bacoor City, Cavite kamakalawa.

Ang nasawi ay kinila­lang si PO3 Joel Pelayo, 38, nakatalaga sa NAIA Cargo, Terminal 1 at residente ng # 99 Tabing Ilog, Brgy. Aniban 2, Bacoor City.

Batay sa ulat, dakong alas-11:30 ng umaga ay pinasok ng dalawang lalaki na nagpanggap na customer ng Dr. G Animal Clinic na nasa Tirona Hi-way, Brgy. Habay 2, Bacoor City, Cavite na  nagkataong kustomer ang biktima.

Ilang sandali ay nagdeklara ng holdap ang dalawang suspek, subalit nanlaban ang biktima kaya’t pinagbabaril siya ng mga suspek.

Natangay ng mga sa­larin sa isang kustomer na si Manny Saulog, 55, club ma­nager, ang isang wrist watch; dalawang gold bracelet at wallet na naglalaman ng cash at iba pang personal na gamit at pagkatapos ay tumakas.

vuukle comment

JOEL PELAYO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with