^

Police Metro

Mister na magbabayad ng bill, dedo sa suntok

Cristina Timbang - Pang-masa

MANILA, Philippines - Isang 42-anyos na mister ang nasawi habang ginagamot sa ospital matapos na suntukin at ihataw pa ang ulo sa semento ng isang lalaki kamakalawa sa Brgy. Santiago, Gen. Trias, Cavite.

Ang nasawi ay kinilalang si Joselito Tapawan Dua, 42, magsasaka, ng Sitio Balidbid Brgy. Santiago ng nasabing lugar.

Ang suspek ay kinilalang si Glen Pakingan Tabua, nasa hustong gulang residente ng Brgy. Pasong Kawayan.

Batay sa ulat, dakong alas-10:00 ng umaga ay papalabas ng bahay ang biktima kasama ang misis upang magbayad ng electric bill ng dumating ang suspek at walang sabi-sabing sinuntok sa mukha ang biktima dahilan upang tumumba ito.

Hindi pa man nakakatayo ang biktima ay muli itong pinagsusuntok sa mukha at inihataw ang ulo sa semento,

Duguan at walang malay na iniwan ng suspek ang biktima na agad dinala sa ospital, subalit makalipas ang may ilang oras ay namatay din ito sanhi ng tinamong pagbuo ng dugo sa ulo. Pinaghahanap na ang suspek.

vuukle comment

SUNTOK

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with