^

Police Metro

2 Maute terrorist patay sa encounter, 1 pa timbog

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napaslang ang da­lawang pinaghihinalaang notor­yus na miyembro ng  Maute terrorist group matapos makasagupa ang nagrespondeng security forces  habang isa pa ang nasakote  sa bigong pagtatangka na karnapin ang behikulo ng isang negosyante sa Iligan City nitong Biyernes.

Kinilala ni  Captain Jo-Ann Petinglay, Spokesperson ng AFP Western Mindanao Command ang mga napatay na terorista na sina Azzam Ampua Tahir at isang alyas Wowie.

Bandang alas-8:45 ng umaga, ayon kay Petinglay habang minamaneho ng negosyanteng si Othelo Adiong, 36 ang kaniyang pickup kasama ang kaniyang pamilya nang harangin ng isa pang behikulo na sinasakyan ng mga suspek sa kahabaan ng C-3 Road, Brgy. Ubaldo Laya, Iligan City.

Walang nagawa si Adiong matapos na tutukan ng baril ng mga suspek  kung saan pinababa ito at kaniyang pamilya sa sasakyan na tina­ngay ng mga armadong suspek.

 Agad namang hu­mingi ng tulong si Adiong sa mga nagpapatrulyang elemento ng Special Action Force (SAF) na agad ding rumadyo sa tropa ng mga sundalo at tinugis ang mga suspek katulong ang mga CAFGU.

Nakorner naman ng tumugis na security forces ang behikulong sinakyan ng dalawang  kasapi ng Maute terror group sa kahabaan ng Camague Road  kung saan nagkaroon ng palitan ng putok matapos puntiryahin ng pamamaril ng mga terorista ang mga awtoridad na ikinasawi ng dalawang sa mga suspek.

Nasakote  naman sa operasyon ang kasamahan ng mga suspek na si Eyeman Alonto  na siyang driver ng behikulo ng mga suspek. Nasamsam sa lugar ang isang M4 rifle at isang cal. 45 pistol.

vuukle comment

SECURITY FORCES

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with