^

Police Metro

3 drug suspect napatay

STARTALK - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad ang tatlong drug suspect sa magkahiwalay na buy bust operation sa Quezon City at lalawigan ng Laguna.

Sa Quezon City, kinilala ang nasawing si Dominic Valencia, alyas “Nik-Nik”, 31, residente sa no. 119 Ginintuang Landas,Sitio Arguadiente, Brgy. Sta Monica, Novaliches.

Bago ang insidente dakong alas-6:40 ng gabi sa mismong tirahan ni Valencia ay nagsagawa ng buy-bust operation habang isinasagawa umano ang transaksyon ay nakatunog ito na parak ang kanyang ka-deal kaya’t binaril nito ang mga pulis na gumanti at napatay.

Napatay naman sa Brgy. Paciano Rizal, Bay, Laguna ang dalawang pinaghihinalaang notor­yus na drug pushers na sina Daniel Carandang alyas Danny, 48, mi­yembro ng Tirtir gang at Mauro Carandang, 53, pawang residente ng nasabing barangay.

Bago ang shootout dakong alas-3:30 ng mada­ling araw ay nagsagawa ng operasyon ang mga elemento sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Agripino Morga ng Branch 29, 32 ng San Pablo City Regional Trial Court (RTC) laban sa suspek na si Bobby Carandang.

Papalapit pa lamang ang mga operatiba sa bahay ni Bobby ay agad nagpaputok ang mga suspek  na sina  Daniel at Mauro; pawang mga kasamahan ng una na nagresulta sa palitan ng putok ng magkabilang panig na ikinasawi ng mga suspek.

Nagkataon namang wala ang target  na si Bobby ng isagawa ng mga otoridad ang nasabing operasyon.- Ricky Tulipat, Joy Cantos-

vuukle comment

NAPATAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with