^

Police Metro

2 suspects dedo sa buy bust

Ricky Tulipat, Mer Lay­son - Pang-masa

MANILA, Philippines - Napatay ng mga otoridad sa magkahiwalay na buy bust operation sa Pasig at Maynila ang  dalawang lalaki na sangkot sa illegal drugs.

Napatay sa  Barangay Rosario, Pasig City ang suspek na si Rommer Silva matapos na makipagbarilan sa mga pulis.

Sa ulat, dakong alas-2:30 ng madaling araw nang magsagawa ng buy bust operation ang mga  otoridad laban sa suspek sa Rodriguez Compound, Jenny’s Avenue.

Habang isinasagawa ang deal ay nakahalata ang suspek na mga pulis ang kanyang ka-transaksiyon, kaya’t nanlaban ito at napatay.

Narekober ng mga pulis mula sa suspek ang isang kalibre .45 pistola, dalawang plastic sachet ng shabu at P200 marked money.

Patay din ang suspek na kinilalang si alyas Jomer, na nasa pagitan ng edad 25-30; nasa 5’5” ang taas, moreno at nakasuot ng khaki.

Nabatid na nagsagawa ng buy bust operation ang mga otoridad laban sa suspek sa Barangay Greater Fairview, kahapon ng alas-2:30 ng madaling araw sa kahabaan ng Elgin St., kanto ng Lyric St., subalit nanlaban ito at napatay.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with