^

Police Metro

Bus sinunog ng NPA rebels

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Malaki ang hinala na hindi nakapagbigay ng pera ang may-ari ng isang bus firm sa rebeldeng grupo kung kaya’t sinunog ang isang unit nito kahapon sa Brgy. Polonuling, Tupi, South Cotabato, kahapon ng madaling araw.

Batay sa ulat, bago nangyari ang pagsunog sa nasabing lugar sa isang Yellow Bus Inc. na may biyaheng Koronadal City patungo sa GenSan pasado alas-4:00 ng madaling araw ay bumaba ang inspector ng bus sa Crossing Polonuling ay sumakay ang limang kalalakihan at pinaliko ang bus papasok sa kaliwang bahagi mga 100 metro ang layo mula sa highway patungo sa direksyon ng Mt. Matutum.

Pagdating sa lugar may naghihintay na mga kasamahan ang limang suspek at pinababa ang mga pasahero, driver at konduktor saka binuhusan ng gasolina ang bus at sinilaban.

Bago pa umano nangyari ang panununog, nagpakilalang mga NPA ang mga suspek at nagpahayag na hindi naman nila sasaktan ang mga nakasakay sa bus.

vuukle comment

NPA REBELS

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with