^

Police Metro

Cagayan, Isabela nilumpo... 12 patay sa bagyong Lawin

Joy Cantos - Pang-masa
Cagayan, Isabela nilumpo... 12 patay sa bagyong Lawin
Isa lang ang establisyimentong ito sa Maharlika Highway, Tuguegarao City, Cagayan ang itinumba ng bagyong Lawin na kung saan ang lalawigan ay nasa storm signal no. 5.
Edd Gumban

MANILA, Philippines - Labindalawa katao ang naiulat na nasawi sa malakas na hagupit habang dalawa ang nawawala ng bagyong Lawin na nagdulot ng matin­ding delubyo sa Northern Luzon partikular na sa  lalawigan ng Isabela at Cagayan.

 Sinabi ni National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) E­xecutive Director Ricardo Jalad, nakatanggap sila ng inis­yal na report na 12 katao ang nasawi.

Inaasahan na ang  ma­tinding pinsalang idinulot ng bagyong Lawin partikular na sa Isabela at Cagayan na  una nang isinailalim sa tropical cyclone signal number 5 sa kasagsagan nang pana­nalasa ng bagyo.

Sa ulat ng Cordillera Police, nasawi sa landslide sa lalawigan ng Ifugao ang mga biktimang sina Junior Chawagan,16; at Jeramel Alfaro, 17, habang  sa Benguet ay sina Edgar Genese, 40; at Jonie Borja. Nawawala naman matapos na tangayin ng malakas na agos ng tubig baha sa Ifugao ang biktimang si Larry Duyapat.

Sa Benguet ay nasawi sa Sagpat, Kibungan dahil sa landslide sina Jhon Carlos Hatop; isang bagong silang na sanggol; Joshua Hella, 19; Jessie Hella, 28. Habang sa bayan ng Abatan, Buguias ay ang 65-anyos na si Arsenio Lantaen.

Kinumpirma naman ni Benito Ramos, dating NDRRMC Executive Director at kasalukuyang consultant ng ahensiya na sa kaniyang  lalawigan sa Isabela ay dalawa ang napaulat na nasawi kabilang ang 70 anyos na si Jose Malinap nang atakehin sa puso sa evacuation center  at isang CAFGU na  si   Marcos  Cabaldo Bernardo, 47, na nabagsakan ng nabuwal na malaking punong kahoy.

Ang bagyong Lawin ay bumayo sa Northern at Central Luzon kung saan maraming nabuwal na mga punong kahoy at poste ng kuryente habang apektado rin ang linya ng komunikasyon sa hilagang bahagi ng lugar partikular na sa Cagayan, Isabela, Ilocos Region at CAR.

vuukle comment

BAGYONG LAWIN

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with