^

Police Metro

Bata ni-rape/slay ng pinsan

Francis Elevado at Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines - Ginahasa at pinatay ang isang 9-anyos na batang babae ng kanyang 15-anyos pinsan naganap kamakalawa sa Brgy. La Union, Castilla, Sorsogon.

Ang suspek ay itinago sa pangalang Rommel, residente ng  nasabing barangay at pansamantalang nasa kustodya ng Women and Children’s Protection Desk.

Ang biktima na si Ashleu Lazarte, grade 3 pupil ay natagpuang patay dakong alas-8:00 ng umaga sa isang madamong lugar na sabog ang ulo na maaa­ring pinukpok ng matigas na bagay at may tama ng saksak sa leeg.

Ayon sa mga saksi nakita nila ang biktima na kasama ang suspek sa pagpasok sa eskuwelahan. 

Subalit, gabi na ay hindi na ito nakauwi ng bahay na labis na pinag-alala ng magulang hanggang sa ito ay hanapin at matagpuang patay.

Lumalabas pa sa resulta ng medico legal na ginahasa muna ang biktima bago ito pinaslang ng suspek na posibleng nasa impluwensiya ng bawal na gamot.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with