^

Police Metro

5 katao tiklo sa droga

Joy Cantos at Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Limang katao ang dinakip ng mga otoridad sa kasong droga sa magkahiwalay na insidente sa lalawigan ng Batangas at Pasig City.

Sa Batangas, naaresto ang apat katao na kinila­lang sina Marlyn Parra; Jake Pilapil; Mariniel  Vistro; at  John Julio Chanco dakong alas-11:30 ng gabi nang maaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng pot seesion sa inuupahang silid sa Sweet Dreams Hotel sa  Brgy. Balisong, Taal, ng lalawigan.

Nakatanggap ng impormasyon ang Taal Police hinggil sa illegal na aktibidades ng mga suspek  kaya agad ikinasa ang operasyon na nagresulta sa pagkakaaresto ng mga ito at nasamsam ang 1.8 gramo ng shabu, aluminum foil, tooter, apat na piraso ng lighter at isang plastic sachet pa ng residue ng shabu.

Naaresto naman ng mga otoridad sa isang checkpoint sa Barangay San Antonio, Pasig City kahapon ng alas-12:00 ng madaling araw ang suspek na si Danilo Lucero, nasa hustong gulang at residente ng naturang barangay at nang kapkapan ay nakuha ang isang plastic sachet ng shabu.

vuukle comment
Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with