Ginang binigti sa sementeryo
MANILA, Philippines – Natagpuang nakabigti sa isang pampublikong sementeryo ang isang 44-anyos na ginang na si Felipa Alip Mendoza matapos na ito ay hindi nakauwi ng kanilang bahay sa San Pablo City, Laguna.
Nagtamo ang biktima ng malalim na pasa at sugat sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Batay sa ulat, bago natagpuang nakabigti ang ginang dakong alas-7:30 ng umaga sa sementeryo sa Brgy. II-F ng lungsod ay nagpaalam ito sa kanyang live in partner noong Enero 31, dakong alas-8:00 ng gabi na lalabas sandali at may mahalagang aasikasuhin.
Subalit, nabigong makauwi sa kanilang bahay ang ginang hanggang sa madiskubre ang bangkay nito kamakalawa ng umaga.
- Latest