^

Police Metro

2 abogado ginulpi ng mga tinedyer

Angie dela Cruz - Pang-masa

MANILA, Philippines – Bugbog-sarado ang dalawang abogado sa grupo ng kabataan matapos itong mambastos ng kasamang dalaga sa Cable Card Bar sa Tomas Morato, Quezon City kahapon ng mada­ling araw.

Sa inisyal na im­bestigasyon ni PO2 Jo­nald Onida ng Kamu­ning PNP, sinasabing senglot si Atty. Carlo Austria kasama ang ilang kaibigan nang nakiupo umano sa kanilang table ang isang senglot din na dalaga na mula sa kabilang table ng grupo ng kabataan.

Ayon kay PO2 Onida, dito na nagsimulang magalit ang kasamahang lalaki ng dalaga dahil binabastos umano ni Attorney  Austria si alyas Mahan.

Sinasabing nilapitan ng mga lasing na kabataan si Austria at sinabihang ayusin na lang sa labas ang problema.

Subalit paglabas ni Austria ay dito na siya inupakan ng mga suspek na sina  Bryan Malonzo ng Sta. Mesa Manila, Martin Escaño, at si Manny Aguilar na kapwa nakatira sa Caloocan City.

Dahil may isa pang abogado na si Attorney Olando Casimiro na nasa kabilang mesa ang nagtangkang tumulong kay Atty. Austria kaya  inupakan din ito ng grupo ng kalalakihan.

Agad namang nagtu­ngo ang dalawang abogado sa himpilan ng pulisya para ireklamo ang mga suspek.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ATTORNEY OLANDO CASIMIRO

BRYAN MALONZO

CABLE CARD BAR

CALOOCAN CITY

CARLO AUSTRIA

MANNY AGUILAR

MARTIN ESCA

MESA MANILA

ONIDA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with