^

Police Metro

2 dedo sa salpok

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang dalawang katao makaraang masalpok ng isang kotse habang nasa tapat ng tindahan sa tabi ng highway ng Brgy. Sto Niño, Plaridel, Bulacan kamakalawa ng gabi.

Ang mga nasawi ay kinilalang sina Kevin Romero, at Judy Ann Santos, 27.

Sa ulat ni Bulacan Provincial Police Office (PPO ) Director P/Sr. Supt. Ferdinand Divina, naganap ang malagim na sakuna dakong alas-10:30 ng gabi sa nasabing lugar.

Nabatid na bigla na lamang sinalpok ng humahagibis na Honda Civic Sedan (WGA-570)  na minamaneho ni Alfredo Payumo ang mga biktima na nasa harapan ng tindahan na pag-aari ni Romegio de Guzman.

Sa lakas ng pagkakabangga ay sinuwag pa ng behikulo ang delivery truck na nakaparada sa harapan ng tindahan kasunod ang binatilyong estudyante na sakay ng kaniyang skateboard. Si Payumo ay taga Quezon City na patungong Malolos City upang bisitahin sana ang kaniyang lupain sa lugar na sa kanyang pahayag ay nawalan umano siya ng kontrol sa manibela na nagbunsod sa trahedya.

vuukle comment

ALFREDO PAYUMO

ANG

BULACAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

DIRECTOR P

FERDINAND DIVINA

HONDA CIVIC SEDAN

JUDY ANN SANTOS

KEVIN ROMERO

MALOLOS CITY

QUEZON CITY

SI PAYUMO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with