^

Police Metro

Kabit ni misis, dedo kay mister

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines - Hindi na umabot ng buhay ang isang 64-an­yos na lalaki matapos na tagain ito sa ulo ng isang mister na nahuling katalik nito ang misis niya kamakalawa ng gabi sa isang basketball court sa Brgy. Maligo, Polomolok, South Cotabato.

Ang nasawi ay kinila­lang si Freddie Cabillan, residente ng nasabing barangay.

Ang suspek na kusang loob na sumuko sa pulisya ay kinilalang si Joven Tablo, 31, ng Purok 5, Brgy. Landan.

Batay sa ulat, pasado alas 6:00 kagabi ay pauwi na ang suspek sa kanilang bahay nang mapadaan ito sa isang basketball court at nakita niya na may nagtatalik sa isang madilim na sulok.

Kinutuban ang suspek nang marinig ang babae na tila boses ng kanyang misis at para matiyak ay lihim itong lumapit sa dalawang nagtatalik.

Subalit, gayun na lamang ang pagkagulat nito nang maanigan na misis niya ang babaeng katalik kaya’t sinuntok ang lalaki at tinaga ng dalang itak sa ulo.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

FREDDIE CABILLAN

JOVEN TABLO

KINUTUBAN

LANDAN

MALIGO

POLOMOLOK

SOUTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with