^

Police Metro

Rider dedbol sa bundol

Mer Layson - Pang-masa

MANILA, Philippines – Namatay noon din ang isang motorcycle rider matapos na mabundol siya ng isang SUV kahapon ng umaga sa Barangay Mayamot, Antipolo City, Rizal.

Ang nasawi dahil sa matinding tama sa ulo ay kinilalang si Reno Marquez, nasa hustong gulang at naninirahan din sa nasabing lugar.

Batay sa ulat, bago nangyari ang aksidente dakong alas-6:00 ng umaga sa Sumulong Highway ng nasabing barangay ay minamaneho ng biktima ang kanyang motorsiklo na may plakang BD-27497 at binabaybay  ang kahabaan ng Sumulong Highway nang mabangga ito ng rumaragasang Toyota Tamaraw FX (TRN-461) na minamaneho ng isang Amelito Masaya, 30, ng Masinag Antipolo City.

Sa lakas nang salpok ay tumilapon ng ilang metro ang layo ang biktima na naging sanhi ng pagkamatay nito.

Ang driver ay kakasuhan ng reckless imprudence resulting to homicide.

vuukle comment

AMELITO MASAYA

ANG

ANTIPOLO CITY

BARANGAY MAYAMOT

BATAY

MASINAG ANTIPOLO CITY

NAMATAY

RENO MARQUEZ

RIZAL

SUMULONG HIGHWAY

TOYOTA TAMARAW

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with