^

Police Metro

Misis utas sa selosong lover

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dead on the spot ang isang ginang matapos siyang pagtatagain ng kanyang live in partner dahil sa selos naganap kamakalawa sa Zamboanga City.

Ang nasawi ay kinilalang si Maria Enoc, 35 ng Purok 2, Brgy. Cayamcam, Tungayawan, Zamboanga Sibugay. Habang agad nadakip ang suspek na si Ri­chard Fernandez, 46.

Batay sa ulat, bago nangyari ang krimen dakong alas-9:00 ng gabi sa loob ng kanilang bahay ay kinompronta ng suspek ang biktima kung totoo ang naririnig nitong tsismis na may nanliligaw dito.

Pinabulaanan ng biktima ang bintang na hindi pinaniwalaan ng suspek na nauwi sa mainitang pagtatalo hanggang kumuha ng itak at walang habas na pinagtataga ang una na agad nitong ikinamatay.

Ini-report ng mga kapitbahay ang pangyayari sa mga pulis na nagresponde sa lugar at dito ay nadatnan ang bangkay ng biktima habang ang suspek ay dinala sa ospital matapos hiwain ang sariling tiyan.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BATAY

BRGY

CAYAMCAM

FERNANDEZ

HABANG

INI

MARIA ENOC

ZAMBOANGA CITY

ZAMBOANGA SIBUGAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with