^

Police Metro

Traslacion umabot ng mahigit 20 oras

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Umabot ng mahigit 20 oras bago tuluyang naipasok dakong alas-2:00 ng madaling araw sa Minor Basilica Church sa Quiapo ang Poong Itim na Nazareno dahil umano sa hindi nasunod na itinakdang ruta.

Gayunman,  sa pangkalahatan ay naging mapayapa naman ang pagdiriwang na dinaluhan ng may 1.5 mil­yong deboto na posibleng mas higit pa ang bilang kung isasama ang mga nagtungo sa pahalik na sinimulan ng Enero 8 alas-6:00 ng hapon sa Luneta Grandstand at sa mga nag-aabang lamang sa mga daraanang ruta at paligid ng Quiapo.

Noong nakalipas na taon  ay umabot lamang sa 19 oras ang pagtatapos ng prusisyon, taong 2014 ay 10 oras din at 2013 ay nasa 18 oras at noong taong 2012 ay mahigit 22 oras.

Nagpasalamat naman si MPD Director Chief Supt. Rolando Nana at naging maayos ang pagdaraos bagamat nalungkot din sa dalawang lalaki deboto na naitalang namatay kaugnay sa Traslacion na kinilalang sina Alex Fullido, 27 ng Blumentritt, Sampaloc, Maynila na inatake sa puso sa sobrang pagod at  Mauro Arabit, 58.

Noong nakalipas na taon (Enero 9, 2015) ay dalawa rin ang namatay sa kasagsagan ng Traslacion na sina Renato Gurion, residente ng Sampaloc, Maynila, na may limang taon ng miyembro ng Hijos Del Nazareno at isang hindi kilalang lalaki na hi­nimatay, natapak-tapa­kan at tuluyang binawian ng buhay.

vuukle comment

ACIRC

ALEX FULLIDO

ANG

DIRECTOR CHIEF SUPT

ENERO

HIJOS DEL NAZARENO

LUNETA GRANDSTAND

MAURO ARABIT

MAYNILA

MINOR BASILICA CHURCH

NOONG

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with