^

Police Metro

Babaeng Ruso natagpuang patay

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay na at bumubula ang bibig nang matagpuan ang bangkay ng 49-anyos na si Alisa Belousiva, Russian national sa loob ng inuupahan nitong kuwarto sa Urdaneta City, Pangasinan kamakalawa ng gabi.

Batay sa ulat, dakong alas-6:00 ng gabi nang ma­diskubre ang bangkay ni Belousiva sa tinutuluyan nitong boarding house sa Zone 4, Brgy. Nancayasan,Urdaneta City.

Batay sa pahayag ni Ester Roxas, 50-anyos, may-ari ng boarding house nagulantang lamang siya nang madiskubreng patay na ang boarder na si Belousiva.

Huling nakitang buhay ang biktima noong Enero 7 ng hapon at napilitan si Roxas na pumasok sa silid ni Belousiva gamit ang master key dahilan ilang araw na itong hindi lumalabas ng kuwarto at bukod dito ay hindi rin ito sumasagot kahit kinakatok.

Wala namang nakitang foul play ang mga otoridad sa kaso at walang nawawala sa gamit at bukod dito ay wala ring palantandaan na sinaktan ito o puwersa­hang pinasok.

vuukle comment

ACIRC

ALISA BELOUSIVA

ANG

BATAY

BELOUSIVA

BRGY

ENERO

ESTER ROXAS

HULING

NANCAYASAN

URDANETA CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with