^

Police Metro

Mar pinakamalaki ang ginastos sa Ads

Butch M. Quejada - Pang-masa

MANILA, Philippines – Si Liberal Party standard bearer Mar Roxas ang umano ay siyang nanguna sa pinamalaking ginastos sa political ads sa lahat ng kumakandidatong presidente.

Ito ay batay sa ulat ng AC Nielsen mula E­nero hanggang Dis­yembre 2015 na si Roxas ay nakagastos na umano ng P774, 192,000.

Sumunod dito sina Sen. Grace Poe-P695,603,000;Vice President Jejomar Binay-P695,555,000 at Davao City Mayor Rodrio Duterte-P129,599,000.

Pinabulaanan naman ng kampo ni Binay ang lumabas sa pahayagan na siya ang nanguna sa paggastos sa TV ad na namonitor ng  Nielsen Philippines.

Duda ang kampo ni Binay sa nasabing ulat dahil sa kanilang pagkakaalam ay hindi pa naglalabas ang nasabing reseach  firm ng kanilang datos para sa 2015.

Binigyan ng kasiguruhan ni Joey Salgado, tagapagsalita ni Binay ang publiko na sila ay hindi gagastos ng ma­laki sa political ads na ginagawa na ng mga kandidato na inilalabas sa mga national, cable, provincial TV at radio.

Samantala, balik sa top spot sa pinakabagong Pulse Asia survey si Binay sa napipisil ng mga botante bilang presidential bet sa 2016.

Sa data ng Pulse Asia, nakakuha si Binay ng 33 percent; si Duterte ay may 23 percent; si Poe ay mayroong 21 percent; si Roxas naman ay may 17 percent, habang si Sen. Miriam Santiago ay nakakuha ng 4 percent.

Maaari umanong ikonsidera na statistically tied o pantay sina Duterte at Poe dahil sa margin of error.

Isinagawa ito noong Disyembre 4-11, 2015 at nasa 1,800 ang bilang ng respondents sa nabanggit na survey.

vuukle comment

ACIRC

ANG

BINAY

DAVAO CITY MAYOR RODRIO DUTERTE

DUTERTE

GRACE POE

JOEY SALGADO

MAR ROXAS

MIRIAM SANTIAGO

NIELSEN PHILIPPINES

PULSE ASIA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with