^

Police Metro

Retiradong AFP, PNP isama sa umento-Trillanes

Malou Escudero - Pang-masa

MANILA, Philippines – Isama ang mga retired members  ng Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police at iba pang uniformed services sa Salary Standardization Law 4.

Ito ang naging pa­nawagan kahapon ni Senador Antonio “Sonny” F. Trillanes IV kay Pangulong Benigno S. Aquino III.

Si Trillanes ang pangunahing author at sponsor ng Senate Bill No. 2671 o ang panukalang SSL4.

Sa ilalim ng kanyang orihinal na panukala sa Senado, ang mga pensyon ng mga retiradong mi­yembro ng mga nasabing organisasyon ay tataas din kasabay nang pagtaas ng sahod ng mga kawani ng gobyerno, alinsunod sa Presidential Decree 1638 at Republic Act No. 8551.

Subalit sa bersyon na itinutulak ng Malacañang, ang probisyong ito o tinatawag na indexation ng military pension ay tinanggal dahil sa sinasabing matinding kakapusan sa budget ayon sa Department of Budget and Management.

Hindi naaprubahan ng Kongreso ang panukala bago magsara ang sesyon noong Disyembre dahil sa magkaibang bersyon na tinutulak ng bawat Kapulungan.

Kasama ang pagtaas ng pensyon ng mga retiradong miyembro sa bersyon ng Senado, samantalang ang bersyon ng Malacañang naman ang itinutulak ng Mababang Kapulungan.

Umaasa si Trillanes na tututulan ng Malacañang ang pagsama ng indexation provision sa SSL4, na maaaring mag-aantala sa agarang pagpapatupad ng panukala at makakaapekto sa mga kawani ng gobyerno kaya’t umaapela ito sa Pangulo.

Sa P3.002 trilyon national budget para sa 2016, P57.9 billion ay nakalaan para sa pagpapatupad ng unang bahagi ng SSL4 at karagdagang P9 bilyon ay kakailanganin para sa indexation ng mga retiradong sundalo at pulis sa unang taon ng pagpapatupad ng batas.

Anya ang gobyerno ay marapat lamang na magpakita ng malasakit, kundi man pasasalamat sa mga sakripisyong inialay ng mga retiradong sundalo at pulis.

vuukle comment

ACIRC

ANG

ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

ATILDE

DEPARTMENT OF BUDGET AND MANAGEMENT

MABABANG KAPULUNGAN

MALACA

MGA

PANGULONG BENIGNO S

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PRESIDENTIAL DECREE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with