^

Police Metro

2 sundalo todas sa Abu Sayyaf

Joy Cantos - Pang-masa

MANILA, Philippines – Dalawang sundalo ang napaslang makaraang sumiklab ang bakbakan ng tropa ng militar laban sa mga teroristang Abu Sayyaf Group  sa liblib na lugar sa Barangay Mampallam, bayan ng Talipao, Sulu kahapon  ng madaling araw.

Ayon kay Major Felimon Tan, spokesman ng AFP -Western Mindanao Command, bandang alas- 2 ng madaling araw nang sumiklab ang bakbakan sa Sitio Palan habang nagsasagawa ng security patrol operation ang  tropa ng Philippine Marines.?Sa sorpresang pag-atake, dalawang sundalo ng Philippine Marines ang napatay habang  isa naman ang nasugatan kung saan gumanti ng putok ang mga sundalo na nagresulta sa 15-minutong bakbakan.

Mabilis na nagsitakas ang grupo ng Abu na pinaniniwalaang nalagasan din sa pakikipagpalitan ng putok sa tropa ng military na naatasang magsagawa ng law enforcement operations laban sa ASG na sangkot sa kidnapping.

Ipinaabot naman ni Lt. Gen. Mayoralgo Cruz, chief ng AFP Western Mindanao Command ang pakikiramay sa naulilang pamilya ng mga sundalo at tiniyak ang tulong sa mga kinauukulan.

vuukle comment

ABU SAYYAF GROUP

ANG

AYON

BARANGAY MAMPALLAM

DALAWANG

IPINAABOT

MAJOR FELIMON TAN

MAYORALGO CRUZ

PHILIPPINE MARINES

SITIO PALAN

WESTERN MINDANAO COMMAND

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with