^

Police Metro

Oil price rollback uli

Angie dela Cruz, - Pang-masa

MANILA, Philippines – Magpapatupad ng panibagong bawas presyo ng produkto ang ilang kumpanya ng langis ngayong araw sa pagsalubong sa Bagong Taon

Pinangunahan ng Pilipinas Shell ang rollback, kung saan bumaba ng P 0.60 kada litro ng gasoline habang P 0.40 naman kada litro sa kerosene at P 0.20 kada litro sa diesel.

Ayon kay Ina Soriano ng Pilipinas Shell ang rollback sa presyo ng mga produkto ay epektibo ngayong umaga.

Bunsod aniya ito ng paggalaw ng presyo nito sa pandaigdigang merkado.

Inaasahang magpapatupad na rin ng bawas presyo ng kanilang produkto ang ilang oil companies na sa kahalintulad na halaga.

Matatandaan na noong Disyembre 15 ay hu­ling nagpatupad ng bawas presyo sa kanilang mga produkto ang  ilang oil companies.

Nabatid na ang panibagong oil price rollback ay magandang balita para sa pagsalubong ng Bagong Taon sa mga motorista.

vuukle comment

ACIRC

ANG

AYON

BAGONG TAON

BUNSOD

DISYEMBRE

INA SORIANO

INAASAHANG

MAGPAPATUPAD

MATATANDAAN

PILIPINAS SHELL

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with