^

Police Metro

Kotse vs 2 traysikel: 4 bulagta

Ricky ­Tulipat - Pang-masa

MANILA, Philippines – Apat-katao ang sinalubong ni kamatayan matapos magkarambola ang tatlong sasakyan sa kahabaan ng highway sa bayan ng Balangiga, Eastern Samar noong Sabado ng hapon.

Sa ulat ng Eastern Samar PNP na nakara­ting sa Camp Crame, isa sa mga namatay ay si Renato Brieva, 52, tricycle driver, ng Maydolong, Eastern Samar.

Tatlong pasahero ng traysikel na hindi pa natukoy ang pagkaka­kilanlan ang naisugod sa Alvino Duran Memorial Hospital subalit idineklarang patay.

Lumilitaw sa police report, naganap ang madugong trahedya sa Maharlika Highway sa Sitio Kamaktas, Barangay San Miguel bandang alauna y medya ng hapon.

Nabatid na biglang lumihis at pumasok sa kabilang linya ng highway ang Toyota Avanza na minamaneho ni Jelson Quebec ng Tacloban City kaya nasalpok ang dalawang traysikel kung saan isa sa mga ito ang minamaneho ni Brieva.

Hindi naman binanggit sa police report kung may namatay sa Avanza habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

ACIRC

ALVINO DURAN MEMORIAL HOSPITAL

ANG

BARANGAY SAN MIGUEL

CAMP CRAME

EASTERN SAMAR

JELSON QUEBEC

MAHARLIKA HIGHWAY

RENATO BRIEVA

SITIO KAMAKTAS

TACLOBAN CITY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with