^

Police Metro

Kandidatong konsehal itinumba sa tabi ng misis

Rhoderick ­Beñez - Pang-masa

MANILA, Philippines – Pinagbabaril ang isang lalaki na kandidato sa pagka-konsehal ng hinihinalang gun for hire noong Linggo ng umaga sa Midsayap, North Cotabato.

Ang biktima na nasawi ay kinilalang si Bong Mangadta, 43, ng Muslim Village,  Purok 26,  Barangay 76-A, Bucana sa Davao City.

Napatay rin ang gunman nito na patuloy pang kinilala ng mga otoridad.

Batay sa ulat, dakong alas-8:45 ng umaga ay nakaupo sa labas ng isang tindahan  ang biktima katabi ang misis nito nang sumulpot ang suspek at malapitang barilin sa ulo.

Mabilis na nakahingi ng tulong ang mga saksi sa mga otoridad at itinuro ang lugar na tinakbuhan ng suspek.

Sa halip na sumuko ang suspek nang ito ay makorner ay nakipagbarilan ito sa mga otoridad na naging dahilan ng kanyang kamatayan.

vuukle comment

ANG

BATAY

BONG MANGADTA

BUCANA

DAVAO CITY

LINGGO

MABILIS

MIDSAYAP

MUSLIM VILLAGE

NAPATAY

NORTH COTABATO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with