^

Police Metro

Nang-agaw ng kanta, dinedo

Ludy Bermudo - Pang-masa

MANILA, Philippines – Patay ang 27-anyos na lalaki makaraang saksakin ng isang construction worker na inagawan umano sa pagkanta ng poker face sa loob ng resto bar sa Binondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Nagtamo ng 21-saksak sa  katawan ang biktimang si Romulo Ynazon ng #565 Valderama Street sa nasabing lugar. Nadakip naman ang suspek na si Edgar Pastrana, 26, stay-in sa itinatayong gusali sa Delpan, Binondo.

Sa ulat ni PO2 Dennis Turla ng Manila Police District-Homicide Section, naganap ang krimen sa A & J Videoke Bar sa San Miguel Road dakong alas-3: 30 ng madaling araw.

Sa imbestigasyon, nag-iisa sa lamesa ang biktima habang ang suspek ay may kasamang babae nang unahan ng biktima ang suspek sa pagkanta ng poker face na kakantahin sana ng suspek.

Dito na sinaksak ng suspek ang biktima bago tumakas.

Nagtaka pa ang mga tao sa videoke bar nang bumalik ang suspek na mistulang balisa at nagsasalita na naliligaw siya kaya nagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na ituro siya sa mga pulis.

vuukle comment

ANG

BINONDO

DELPAN

DENNIS TURLA

DITO

EDGAR PASTRANA

J VIDEOKE BAR

MANILA POLICE DISTRICT-HOMICIDE SECTION

ROMULO YNAZON

SAN MIGUEL ROAD

VALDERAMA STREET

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with